-- Advertisements --
Muling naglunsad ang Israel ng panibagong atake sa Bureij refugee camp sa central Gaza.
Ang anunsiyo ay matapos na ihayag ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na mas pinalalim ng kanilang sundalo ang labanan sa southern Gaza strip.
Dahil sa labanan ay maraming mga palestino na ang nawalan ng tirahan sa Bureij at ilang lugar sa central Gaza.
Magugunitang kinondina ng United Nations at ilang mga ahensiya ang mga unang pag-atake ng Israel sa mga refugee camp.