Ibinunyag ng Israel Defense Forces na kanilang nakontrol ang Al-Shati refugee camp sa northern Gaza.
Ito aniya ang naging resulta ng pinaigting na ground operations laban sa mga Hamas militants.
Ang nasabing lugar kasi ay itinuturing na kuta o taguan ng mga Hamas forces.
Kanila na ring pinagsisira ang mga imprastraktura na ginawa ng mga Hamas.
Mayroong 160 tunnels ang kanilang nadiskubre na ginagamit ng mga Hamas para sa kanilang operasyon.
Tiniyak muli ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ginagawa nila ang lahat ng mga makakaya para tuluyan ng mapalaya ang mga bihag ng mga Hamas.
Hindi aniya tumitigil ang kanilang negosasyon para mapalaya na ang nasa 239 na mga bihag. Magugunitang pumayag ang Hamas na magpakaawala ng mga bihag kapag nagpatupad ang Israel ng ceasefire.