-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Israel military ang maikling suspension ng kanilang military activities sa lungsod ng Rafa ng southern Gaza strip nitong araw ng linggo.

Layon ng nasabing panandaliang tigil putukan ay bilang “humanitarian purpose”.

Nagsimula ito sa oras ng 10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon oras sa Gaza.

Ang southern part ng Rafah City kasi ay ang Rafah border crossing sa pagitan ng Gaza at Egypt.

Ito lamang ang daanan para sa paglikas ng mga residente ng Gaza.