-- Advertisements --

Pinalawak pa ng Israel ang kanilang ground offensive sa Palestinian refugee camps sa central Gaza.

Ayon kay Israel Defense Forces spokesman na si Rear Admiral Daniel Hagari na kanilang sinabihan ang mga residente sa central Gaza na lumikas na.

Nagpahayag ng pagkabahala ang United Nations sa patuloy na airstrikes ng Israel dahil sa maraming sibilyan ang nasawi sa Bureij, Nuseirat at Maghazi camps.

Iniulat naman ng Hamas-run health ministry na mayroong 195 katao na ang nasawi sa nasabing lugar sa loob ng 24 na oras.

Una ng sinabi ng Israeli military na maaaring aabot pa ng ilang buwan ang paglaban nila sa Hamas.