-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Israel na kanilang napatay ang kalahati sa mga commanders ng Hezbollah sa southern Lebanon.

Ayon kay Israeli defense minister Yoav Gallant na hindi tumitigil ang Israel Defense Forces sa kanilang offensive operation sa Lebanon.

May ilang mga lider ng Hezbollah aniya ay lumikas na sa Lebanon at nagtago dahil sa pagpapaigting ng Israel ng kanilang military operation.

Mariing itinanggi naman ng Hezbollah ang pahayag na ito ng Israel, kung saan sinabi nila na hindi tumitigil ang Hezbollah sa pag-atake sa Israel.