-- Advertisements --

Ibinunyag naman ng Israel na kanilang nasira ang Hezbollah military inifrastructure sa Ayta Ash Shab area sa Lebanon.

Ayon sa Israel Defense Forces na kanilang natamaan ng dalawang rockets.

Ang nasabing atake ay isang pagganti sa Hezbollah kung saan noong nakaraang mga araw ay tinamaan ng rocket ng Hezbollah ang bahagi ng Har Dov sa northern Israel.

Mula noong Oktubre 8, ay regular na nagpapalitan ng putok ang Israeli military at ang Lebanese armed group na Hezbollah.