-- Advertisements --
ISRAEL HAMAS

Gumagamit na ang Israeli police ng forensic evidence, video at mga testimoniya ng mga witness at interrogations sa mga suspek para naidokumento ang mga kaso ng panghahalay nang simulang ilunsad ang pag-atake ng militanteng Hamas noong Oktubre 7 sa Israel.

Base sa salaysay ng mga testigo, brutal na ginahasa ang mga kababaihan at batang babae na dinukot at pisikal na tinorture at pinatay.

Ayon naman kay Police Superintendent Dudi Katz, nakakalap ang mga opisyal ng mahigit 1000 statements at mahigit 60,000 video clips sa pag-atake kabilang ang accounts mula sa mga indibidwal na napaulat na nakasaksi sa panggagahasa sa mga kababaihan.

Dagdag pa ng opisyal na walang firsthand testimony ang mga imbestigador at hindi malinaw kung ang mga ginahasang mga biktima ay buhay pa.

Sinabi naman ni Police Commissioner Shabtai Yaakov, posiblen humantong ang imbestigasyon sa prosekusyon subalit sa ngayon, ang pagdodokumento muna ang kanilang pangunahing misyon.

Samantala, umaabot na sa mahigit 11,000 nasawi mula sa sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israeli forces at ng militanteng Hamas.