-- Advertisements --
Inakusahan ng Israeli military ang Iran dahil sa inutusan umano nito ang Hezbollah militant na atakihin ang border nila ng Lebanon.
Sinabi ni chief military spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari na nagsagawa ng serye ng pamamaril at pag-atake ang Hezbollah para ilihis ang atensiyon ng Israel sa pag-atake nila sa south Gaza.
Dagdag pa nito na may mga impormasyon sila nakalap ang mahigpit na utos ng Iran sa nasabing Hezbollah militant.
Una ng pinabulaanan ng Iran ang nasabing akusasyon na ito ng Israel.