-- Advertisements --
image 559

Inihayag ng Israeli government na hindi ito magpapatupad ng tigil-putukan hanggat tuluyang nabubuwag ang militant group na HAmas.

Una nang tinanggihan ng US ang mga pandaigdigang panawagan para sa isang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at ng Palestinian group na Hamas, sa pagsasabing hindi ito ang tamang sagot sa kasalukuyan.

Ang tagapagsalita ng US National Security na si John Kirby ay nagmumungkahi sa halip na ceasefire, dapat payagang makapasok ang tulong na maihatid sa loob ng Gaza.

Sa kasalukuyan kasi, bumababa na ang supply ng pagkain, tubig, gasolina at mga gamot para sa 2.2 milyong residente ng Gaza.

Sinabi ni Kirby na nakipag-usap na ang US sa gobyerno ng Israel tungkol sa pagtaas ng bilang ng mga truck na tumatawid sa hangganan bawat araw sa humigit-kumulang 100 mga aid trucks.

Matataandaang iginiit ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang mga panawagan para sa isang tigil-putukan ay mga panawagan para sa Israel na sumuko na sa Hamas at hindi ito aniya mangyayari.