-- Advertisements --

Tinawag din ni Defense Minister Yoav Gallant ng Israel na ang mga nagaganap na kilos protesta sa mga unibersidad sa US ay hindi lamang antisemitic at ito ay nag-uudyok ng terorismo.

Sinabi nito na katuwang ng Israel ang mga Jewisth na nagsasagawa ng kilos protesta sa mga unibersidad sa US.

Magugunitang nagkaroon ng Pro-Palestinian protest sa mga pangunahing unibersidad sa US kung saan pinakamalaki ay sa Columbia University sa New York.

Naglagay na kasi ng mga tent ang mga protesters sa labas ng unibersidad.

Mahigit 100 katao na rin ang naaresto ng mga kapulisan sa New York dahil sa pagsisimula ng kaguluhan.