-- Advertisements --

Inilatag ni Israel Defense Minister Yoav Gallant ang tinawag na “four corner” plan ng Israel para sa kinabukasan ng gobyerno ng Gaza sa oras na magwakas na ang giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.

Ayon sa IDF official, magiging limitado na ang Palestinian rule sa naturang teritoryo.

Kabilang sa tinukoy ng opisyal ang pagtanggal ng kontrol ng Hamas sa Gaza at ang Israel na ang siyang mamamahala sa kabuuang security control sa Gaza.

Isang multi-national force naman ang siyang mangunguna sa rehabilitasyon ng malawakang pinsalang idinulot ng pambobomba ng pwersa ng Israel sa Gaza.

Maging ang karatig na bansang Egypt ng Israel ay mayroon ding papel na gagampanan bagamat hindi tinukoy sa ilalim ng naturang plano.

Subalit nakasaad sa naturang dokumento n ang mga Palestino ang magiging responsable para sa pagpapatako ng teritoryo.

Inilatag din ni Gallant ang plano kung paano ipagpapatuloy ng Israeli military ang susunod na yugto ng giyera sa pagitan nila ng Hamas sa Gaza.

Aniya, magsasagawa pa sila ng targeted approach sa hilagang bahagi ng Gaza strip kung saan kabilang sa kanilang isasagawang mga operasyon ay ang raids, paglansag sa mga tunnel at paglulunsad ng air at ground strikes.

Sa dakong timog naman, ipagpapatuloy ng Israel military ang pagtunton sa mga Hamas leade at pagsagip sa mga bihag na Israeli nationals.

Sa ngayon ayon sa Health Ministry na pinapatakbo ng Hamas, nagpapatuloy pa rin ang labanan kung saan dose-dosenang katao ang napatay sa nakalipas na 24 oras.