-- Advertisements --
Binalaan naman ng Israel ang Hezbollah militants na sila mismo ang gagawa ng hakbang para mapalayas ang mga ito sa border nila ng Lebanon.
Ayon kay Israeli miniser Benny Gantz na makikialam na ang kanilang sundalo kapag hindi umalis ang nasabing mga militant groups.
Hindi na rin aniya kasi gumagana na ang diplomatic solution sa nasabing labanan.
Tumindi pa ang palitan ng putok sa cross-border mula ng maganap ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7 sa Israel.










