-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagkakahalaga ng P2.5 milyon ang itinayong isolation facility ng bayan ng Datu Montawal Maguindanao.

Ang Isolation Facility ay may 15 bed capacity at kumpleto ng gamit para sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ,Returning Overseas Filipino (ROF) at mga pasyente ng Covid 19.

Ayon kay Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal na ang proyekto ay para tugunan ang pangagailangan ng mga mamamayan na tatamaan ng nakakahawang sakit na Coronavirus Disease.

Ito ang kinumpirma ng alkalde kasabay ng pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) kasama ang mga SB members sa pangunguna ni Vice-Mayor Datu Vicman Montawal, pulisya, militar, Health Workers at ibat-ibang lokal na ahensya ng gobyerno.

Sa kabila ng krisis sa Covid 19 ay pinaigting rin ng LGU-Datu Montawal ang kampanya kontra pinagbabawal na droga,kreminalidad at terorismo.

Nagpaalala si Mayor Montawal at ang mga kawani ng Municipal Health Office (MHO) sa taumbayan na sundin ang pinaiiral na health protocols para iwas sa Covid 19.