-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga Islamic believers sa lalawigan ng Aklan sa panukala ni Senator Robin Padilla na same-sex marriage bill.

Ayon kay Bro. Nestor Abdulkarim Bonjibod, isang Islamic preacher sa Aklan na maituturing itong bawal sa Islam.

Ang tangi umano nilang kinilalang kasarian ay babae at lalaki lamang dahilan na hindi naaayon ang pagsasama bilang mag-asawa ng may magkaparehong kasarian.

Kinukundina aniya ng katuruang Islam ang same sex marriage.

Samantala, ipinaabot at ipinaalam na umano nila kay Senator Padilla bilang kapatid na Muslim na nadismaya sila dahil malaki ang kanilang tiwala na siya ang magiging salaming ng Islam sa Senado.

Ngunit ngayon ay siya pa ang nagtutulak at pumapabor sa naturang panukala.

Sa Islamic faith aniya ang pananampalataya at gobyerno ay hindi magkahiwalay.

Ang gobyerno ay regulated ng Divine Law of Allah. Ibig sabihin, kung ano ang utos ni Allah sa kanilang sagradong Quran o Bibliya ng mga Muslim ay hindi dapat maamyendahan o mababago ng tao.

Nabatid na si Senador Padilla ay isang Muslim o Balik-Islam na nanguna sa 2022 na eleksyon na may botong 27 million na sinuportahan ng mga Muslim sa buong bansa.