-- Advertisements --

Pinuri ni Interior Sec. Eduardo Año ang mahigpit na pagpapatupad ni Manila City Mayor Isko Moreno sa mga bagong polisya at patakaran sa siyudad.

Ayon sa kalihim, magandang simula ang paggamit ni Moreno sa mahigpit na political para linisin ang masisikip na kalsada sa Maynila, gayundin ang pagpapatupad sa iba pang kampanya.

“Manila is the showcase of the Philippines. It is the first place foreigners see when they come to our country, so I’m pleased that in the first weeks of his administration, Mayor Isko has already shown that the challenges of the city are not insurmountable and can be addressed with political will and commitment.”

Kabilang na rito ang pagtatanggal sa mga illegal street vendors sa Divisoria, waste-management program at kampanya kontra iligal na pagsusugal.

Aminado ang kalihim na kahirapan ang pinakamalaking hamon para sa administrasyon ni Moreno dahil sa dami ng illegal settlers sa Maynila.

Kaugnay nito nanawagan si Año kay Moreno na makiisa sa Manila Bay rehabilitation program dahil karamihan daw sa waterways na dinadaanan ng polusyon ay nasa Maynila.