-- Advertisements --

Napatay ng US anang lider ng ISIS sa Syria.

Ayon sa US Central Command spokesperson Joe Buccino, napatay si Maher al-Agal sa pamamagitan ng kanilang drone strike.

Central Command statements

Naganap ang drone strike sa labas Jindayris ng northwest Syria bilang bahagi ng patuloy na pagsawata ng US laban sa mga teroristang grupo.

Dagdag pa nito na dahil sa pagkakasawi ng ISIS lider doon ay masisira ang plano ng grupo na magsagawa ng iba’t-ibang atake.

Nauna rito noong Hunyo rin ay naaresto ng US-led combined joint task force ang isa pang ISIS lider ng Syria.