-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mahigpit na monitoring ang ginagawa sa ngayon ng mga sundalo sa posibleng sympathy attack na gagawin umano ng ISIS inspired group sa Mindanao dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Afghanistan.

Ito ang inihayag ni Lt. Col John Paul Baldomar sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Baldomar, hindi nila hahayaan na mangyari ang pag-escalate ng kaguluhan sa bansa dulot ng ginawang pagpasabog ng suicide bomber sa Kabul airport.

Sa ngayon, maituturing umanong tahimik ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Dawlah Islamiyah matapos ang sunod-sunod na pagsuko ng mga ito.

Ngunit ipinasiguro nila na walang mangyayaring anumang karahasan saan mang bahagi ng Mindanao.