-- Advertisements --
Inako ng ISIS ang nangyaring suicide attack sa palengke ng Baghdad na ikinasawi ng 30 katao at ikinasugat ng 50 iba pa.
Nangyari ang insidente ng pasabugin ng suicide bomber ang suot nitong bomba sa Wahailat outdoor market sa Sadr City.
Napinsala rin sa pagsabog ang maraming mga shops sa pamilihan.
Isinagawa ng suspek ang pang-aatake habang abala ang mga tao sa pamimili bilang paghahanda sa Muslim holiday na Eid al-Adha.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.