-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang board of director ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 2 matapos na magbaril umano sa saril sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Barbara, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of ilagan Police Station ang nasawi ay si Board of Director Michael Paguirigan ng ISELCO 2, 59-anyos, may-asawa at residente ng naturang lugar.

Batay sa paunang impormasyon nagbaril umano sa sarili ang biktima habang nakaupo sa butaka sa kanilang sala at mayroong unan na nakapatong sa kaniyang dibdib.

Pinuntahan umano siya ng kanyang asawa at tinanong kung ano ang ginagawa nito sa kanilang sala ngunit bigla na lamang itong nakarinig ng putok ng baril at nakita ang mister na naliligo sa sariling dugo.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ng mga tumugon na kasapi ng Rescue 1124 ang biktima subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Si Panguirigan ay kasama ni General Manager David Solomon Siquian na idinawit sa pagpatay kay Internal Audit Manager Agnes Palce ng ISELCO 2.

Nakaburol na ang labi ni Paguirigan sa isang punerarya sa Ilagan City.