-- Advertisements --
image 394

Nanawagan si Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr. sa mga industriya sa paligid ng pinakamalaking lawa sa bansa o Laguna Lake na maging maingat sa pagatatapon ng kanilang industrial waste dahil kadalasan ay humahantong ang mga ito sa lawa at nakapinsala sa kapaligiran dito.

Ito ay sa gitna ng ulat ukol sa mataas na konsentrasyon ng mga microplastic na natagpuan sa Laguna de Bay.

Ayon kina Mindanao State University (MSU) scientists Prof. Cris Gel Loui Arcadio at Dr. Hernando Bacosa, nakita sa masinsing pag-aaral ng tubig sa 900-square-kilometer na Laguna de Bay ang presensya ng nakakasamang mga microplastic na maaaring maging dahilan ng masamang epekto sa kalusugan ng tao at gayun din sa marine life ng lawa.

Tinukoy ng dalawang eksperto na ang lawa ng Laguna ay isa sa pangunahing water source ng Kalakhang Maynila sa lawak nitong umaabot sa mga lalawigan ng Rizal at Laguna at ang catchment area nito ay nasa 3.820 sq km na dumadaloy sa 21 ilog.

Nilinaw ni Arcadio na ang panganib na dulot ng mga microplastic ay sa puntong pumasok na ito sa katawan ng tao at naging dahilan ng oxidative stress sa ating mga cell.