-- Advertisements --
DOH

Ikinababahala ng Department of Health ang mataas na kaso ng epilepsy sa bansa, lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Dr. Joyce Macasaet-Smith, vice president of external affairs ng Philippine League of Epilepsy, sa bawat 100,000 na pinoy, nasa 330 hanggang 380 katao ang apektado o halos katumbas ng .9% ng kabuuang populasyon.

Sa buong mundo aniya ay umaabot ng hanggang 45.9million katao ang tinatayang apektado ng epilepsy.

Ito ay katumbas ng 621.5 na may epilepsy, sa kada 100,000 na populasyon.

Dahil dito, puspusan umano ang pagsasaliksik ng naturang kagawaran sa mga paraan kung paano matugunan ang naturang sakit.

Nagtutulungan dito ang mga dietician, pediatrician, neurologists, at iba pang medical professional para sa paghahanap ng tugon sa naturang problema.

Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng epilepsy ay ang brain tumors, ibat ibang genetic condition, traumatic brain injuries, stroke, impeksyon sa utak, meningitis, at iba pa.

Karaniwang sintomas nito ay ang kombulsyon na kadalasang nagtatagal ng ilang minuto.