-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang motorista sa nangyaring vehicular accident sa kahabaan ng bypass road sa Brgy. Sta. Lucia, Urdaneta City.

Ayon kay PCapt. Rey Floro Tuanquin, Chief investigator officer ng Urdaneta City PNP Pangasinan, lumalabas sa imbestigasyon na binabaybay ang nasabing lugar ni Leahnicca Fernandez De Vera, 27 anyos, binata at Revenue Officer II sa Bureau of Internal Revenue sa bayan ng Calasiao at residente ng Salud Papa Subdivision Poblacion 1, Gerona, Tarlac nang makasalpukan ng kanyang sasakyan ang kasalubong na motorsiklo na walang plate number na minamaneho naman ni Marvin Carino.

Nabatid na galing ang biktima sa barangay Nancamaliran east sa lungsod habang ang isa ay galing naman ay barangay Nancayasan, Urdaneta City.

Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit deneklarang dead on arrival.

Maswerte namang hindi nasugatan ang driber ng isa pang sasakyan,ngunit kapwa nagtamo ng pinsala ang kani kanilang mga sasakyan. Wasak ang motorsiklo habang nagtamo ng sira sa kanang parte ng isang sasakyan.

Kalaunan ay nagusap naman ang magkabilang a nagkaroon ng kasunduan.