-- Advertisements --

Matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang isag mangingisdang walong araw nang nawawala at palutang-lutang sa bahagi ng West Philippine Sea.

Kinilala ng mga otoridad ang naturang mangingisda na si Rosalon Frans Cayon na nakita umano ng mga Chinese fishermaen na nakakapit sa isang makeshift raft sa bahagi ng Rizal Reef sa bahagi pa rin ng WPS mula pa noong Disyembre 31, 2023.

Sa ulat, agad na dinala ng mga otoridad si Cayon sa Rizal Reef Detachment para lapatan at mabigyan ng atensyong medikal.

Nitong Enero 2, 2024 matagumpay na nasundo ng BRP Cabra ng PCG ang naturang mangingisda mula sa Rizal Reef Detachment at saka siya inihatid sa Buliluyan Pier, Bataraza, Palawan, atsaka naman siya tinulungan ng mga Bataraza LGU na makabalik sa kanilang lugar sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan.