Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pabor siya sa pagtatayo ng bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa gitna ng nararanasang bullying ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ipinaliwanag niya na ang mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites ay makakatulong sa pwersa ng depensa ng Pilipinas sa pagprotekta sa ating mga teritoryo.
Aniya, kung wala umanong nagaganap na panghaharras sa West Philippine Sea, ay hindi natin kinakailangan ng mga panibagong sites nito.
Dagdag niya, na kailangan din ng ating bansa ng tulong mula sa ating mga kaalyado para sa demokrasya at lalung-lalo na sa freedom of navigation in the area sa bahagi ng pinagtatalunang karagatan.
Ginawa ni Senate chief Zubiri ang pahayag matapos na kinuwestiyon ni Senator Imee Marcos ang napaulat na pagtatayo ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa mga lalawigan sa North Luzon.