Iginiit ng isang mambabatas na kailangang linangin ang turismo at imprastruktura sa Pag-asa island upang maipromote ito.
Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. at House Appropriations chair Elizaldy Co, kailangan gawin ang hakbang na ito upang ma develop pa lalo ang isla sa Kalayaan group of islands malapit sa West PH Sea.
“I’ve always been a firm believer in the untapped potential of our nation’s treasures,” pahayag ni Rep. Co.
Aniya, ang pamumuhunan sa imprastruktura para sa isla at pagtataguyod dito bilang tourism hotspot ay hindi lamang isang bisyon kundi isa ring commitment.
Una ng bumisita noon lamanng Huwebes sina Co at iba pang opisyal ng Kamara kabilang si House speaker Martin Romualdez.
Dito, sinabi ng House speaker na maglalaan ang Kamara ng P3 billion para sa airport reclamation extension na tatapat sa naval port at fishing sanctuary.
Ang Pag-asa Island ay bahagi ng Kalayaan Group of Islands malapit sa West Philippine Sea, at tahanan ng isang maliit na komunidad ng mga Pilipino, na ang presensya sa lugar ay gumaganap ng papel sa pagpapatibay ng soberanya ng ating bansa.