-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — “Dahil sa pagkakautang.”

Ito ang motibo ng isang lalaki sa ginawa nitong pananaksak ng apat na indibidwal sa bayan ng Mangaldan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt.Col. Benjamin Zarate, Chief of Police ng Mangaldan Municipal Police Station, sinabi nito na lumalabas sa kanilang isinagawang imbestigasyon na kainuman ng suspek ang dalawa nitong kasamahan sa trabaho nang sinabi nitong balak nitong paslangin ang mag-asawa kung saan siya ay nagkautang.

Sinubukan pa itong pigilan nang dalawa niyanh kaibigan, subalit pinagsasaksak ang mga ito ng sduspek. Matapos nito ay nagtungo siya sa bahay ng mag-asawa sa Brgy. Pogo sa bayan ng Mangaldan at muling isinagawa ang krimen.

Ani Zarate na base sa salaysay nang suspek nang madakip nila ito, lumalabas umano na ginigipit ito ng mag-asawa na kanyang pinagkautangan kaya naman ay binalak niya na paslangin ang mga ito.

Gayunpaman, nagwawala umano ang suspek at tila wala sa katinuan nang arestuhin ng mga pulis at ipinagmamayabang pa niyang galing siya sa Muntinlupa at isang ex-convict.

Nasawi naman mula sa krimen ang isa sa mga kainuman nito at ang lalaking asawa ng isa pa nitong biktima.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nagpapagaling sa pagamutan ang dalawa pang biktima, habang nakapiit naman sa himpilan ng Mangaldan PNP ang suspek habang narekober din nila sa crime scene ang ginamit nitong patalim sa pananaksak sa mga biktma.

Dagdag pa ni Zarate na naipasa na nila ang kaso laban sa suspek sa Office of the Provincial Prosecutor at naghihintay na lamang sila ng resolusyon kaugnay nito.