Ginawaran ng 90-day preventive suspension ng Office of the President si Commissioner Reymar Mansilungan ng National Commission on of Senior Citizens dahil sa ibat-ibang reklamo.
Epektibo ang suspensyon kay Mansilungan pagkatanggap niya ng abiso ng kopya ng abiso base na rin sa apat na pahinang notice of charge na pinirmahan ni Executive Sec. Lucas Bersamin at may petsang Pebrero 2.
Ang suspensyon ay base sa mga reklamo nina Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes at Miguelito M. Garcia.
Kabilang sa mga reklamo sa komisyoner ay serious dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct, gross insubordination, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Matapos ang pagsasagawa ng preliminary investigation, lumabas na may mga sapat na basehan.
Nabatid na mali ang inilagay na educational attainment ni Mansilungan sa kanyang aplikasyon bilang komisyoner ng NCSC, tumanggap din siya ng bayad mula sa pondo ng pamahalaan sa pag-upa sa isang bahay sa Lucena City na walang resibo at paggamit ng pondo ng ahensiya para sa kanyang mga pagkain maging sa mga nakakalasing na inumin.
Inireklamo din si Mansilungan dahil sa hindi pagtatalaga sa isang Irene Dumlao bilang executive director ng NCSC sa kabila ng nominasyon ng noon ay Pangulong Duterte.
Binigyan naman ito ng 10 araw upang magsumite ng kanyang paliwanag at ebidensya bukod pa sa testimoniya ng kanyang mga testigo.