-- Advertisements --
Nanawagan ang isang grupo na dapat ay maayos ng tuluyan na gobyerno ang pagpapalakas ng internet connection sa bansa.
Ayon kay Grace Mirandilla-Santos ng Better Internet PH na maapektuhan ang isinusulong ng gobyerno ng digitalization kung mahina ang internet.
Kapag magkaroon ng malawak na internet connection ay hindi magkakaroon ng problema ang mga mamamayan natin na nasa liblib na lugar.
Magugunitang kamakailan ay inilunsad ng gobyerno ang E-Government app na magbibigay ng mas madaling ma-access ng mga mamamayan ang mga serbisyo ng gobyerno.