-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga otoridad sa Victoria, Australia na sisimulan nito bukas ang pagsasara sa border ng karatig nitong lugar.

Ito’y matapos muling tumaas ang COVID-19 cases sa Victoria sa loob ng nagdaang linggo. Kahapon ay nasawi ang isang 90-anyos na matandang lalaki sa isang ospital sa Victoria, dahilan upang umabot na ng 21 ang death toll sa naturang estado.

Ipinag-utos naman ni State Premier Daniel Andrews na ilagay sa “hard lockdown” ang siyam na pampublikong housing towers sa Melbourne. Lahat ng residente rito ay isasailalim sa coronavirus testing at hindi papayagan na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan.

Ayon kay Andres, hindi umano nila pababayan ang mga nakatira sa naturang gusali at sisiguruhin ng mga otoridad na maaabutan ang mga ito ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Sa ngayon ay 398 tests na ang nagagawa sa nasabing gusali kung saan 53 ang nag-positibo. Mayroon ng kabuuang bilang na 127 bagong kaso ng deadly virus sa Victoria.

“If you literally are going to test everybody, you are going to find more cases, is what we are trying to achieve. When you’re invited to take a test the only answer should be yes,” saad ni Andrews.

Lubha namang nababahala si Andrews dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng deadly virus sa kaniyang nasasakupan.