LAOAG CITY – Nanatiling covid free ang isang barangay sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte.
Ito ay sa kabila ng sunod-sunod na lockdown at pagtaas ng kaso sa mga nakaraang buwan sa probinsya.
Ipinaalan ni Mayor Eddie Guillen na ang nasabing barangay ay ang Brgy. 7-Sucsuquen sa naturang bayan.
Aniya ang pagiging covid free ng barangay ay resulta ng pananatiling disiplinado ng mga residente gayundin ang sakripsyo ng mga opisyal na maobserbahan ang galaw ng mga tao.
Sa ngayon ay may kabuuang 374 kaso ng covid-19 ang naitala sa bayan ng Piddig.
Mula sa nasabing bilang ay 322 ang mga gumaling at 31 ang aktibong kaso habang 21 ang mga namatay.
Samantala, sa buong probinsya ng Ilocos Norte ay mayroon na lamang 569 ang akitibong matapos walang naidagdag na bagong kaso kahapon, Oktubre 18.