-- Advertisements --

Puno ng saya ang isang ama at coach matapos nakasungkit ng gintong medalya ang anak nito sa 1500m athletics event na ginanap sa Cebu City Sports Center sa 64th edisyon ng Palarong Pambansa 2024.

Sa panayam ng Star Fm Cebu kay coach Renante Alesna ng Albuera Leyte, sinabi nitong hindi pa umano nila in-expect na masungkit ang gintong medalya ng anak nitong si Francis Gabriel Batican.

Inamin pa ni coach Alesna na kinabahan siya bago nagsimula ang laban ng kanyang anak dahil nakita pa umano niyang ito ang pinakamaliit na player at malalaki ang mga kalaban.

Sinabi pa nito na matinding paghahanda ang kanilang ginagawa sa loob ng 6 na buwan mainit o maulan man ang panahon.

Dagdag pa niya, hindi lang ito unang pagkakataon na nakabisita sila sa Cebu dahil naging triathlete muna ito bago pinasok ang athletics kung saan lumahok pa aniya ang kanyang anak sa isang triathlon event dito maging sa Davao kung saan nanalo ito.

Samantala, ibinahagi naman ng 11 taong gulang na atleta na masaya ito sa nakamit at nagpahayag na maraming magandang bagay sa Cebu.

Naging inspirasyon naman aniya ang kaniyang pamilya para makamit ang tagumpay.