-- Advertisements --

Kinuha ng Charlotte Hornets ang veteran guard na si Isaiah Thomas.
Pumirma ng kontrata ang 33-anyos na si Thomas ng ikalawang 10-day contract sa Hornets noong Marso 12.

May average na 9.9 points at 2 assists sa pitong laro ang two-tiem All-star player.

Habang mayroong career average na 17.9 points, 4.9 assists at 2.4 rebounds sa loob ng 540 laro mula sa 10 koponan na kaniyang sinalihan.

Taong 2011 ng makuha siya ng Sacramento Kings sa second round draft.