CAUAYAN CITY- Naitala ang 80 bagong nagpositibo sa COVID-19 sa tatlong lungsod at pitong bayan sa Isabela.
Dahil dito ay umakyat na sa 848 ang mga aktibong kaso habang isang daan labing-apat ang mga gumaling.
Ang mga bagong COVID-19 positive ay naitala sa Roxas, Isabela na 39, Lunsod ng Santiago na 12, Cauayan City 8, Alicia 7, Delfin Albano 5, Sta. Maria 4, City of Ilagan 2, tig-iisa ang mga bayan ng Luna, Angadanan at Echague, Isabela.
Sa mga aktibong kaso ay 1 ang Returning Overseas Filipino, 18 ang Locally Stranded Individual (LSI) , 126 ang mga health workers, 24 ang mga pulis at ang local transmission ay 679.
Sa kabuuan ay umakyat na sa 6,412 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, 5,441 ang mga recoveries habang 123 ang nasawi.
Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang gagawin sa labas para maiwasan ang COVID-19.