-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang 91 bagong kaso ng COVID-19 habang 92 ang naidagdag sa mga gumaling.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakamarami pa rin ang lunsod ng Santiago na may 37, Alicia na 11, Cabagan na 8, Cauayan City na 7, tig-aapat sa Buros at Ramon, tig-tatatlo sa Quezon, San Manuel, San Mateo at Tumauini, tigdadalawa sa Aurora at Mallig habang tig-iisa Angadanan, Gamu, Roxas at San manuel

Sa ngayon ay umabot na sa 7,824 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, 6,444 ang gumaling, 1,234 ang aktibong kaso at 146 ang nasawi.

Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning Overseas Filipino, labindalawa ang locally stranded individuals, 159 ang Health Workers, tatlumpu’t lima ang pulis at 1,024 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.

-- Advertisement --