-- Advertisements --
image 125

Tuluyan nang nag-withdraw ang isa sa pinakamagaling na libero ng bansa na si Kath Arado, sa delegasyon ng Pilipinas para sa Southeast Asian Games na gaganapin sana sa Cambodia.

Kinumpirma ito ni National Team chairman Tony Boy Liao.

Si Arado ay ang kasalukyang may hawak sa Best Libero ng Premier Volleyball League ng bansa at dapat sana’y sasama sa isasagawang training camp ng koponan sa Japan bago tuluyang bibiyahe papuntang Cambodia para sa Sea Games.

Dahil dito, papalitan siya ni Bang Pineda ng Akari Chargers.

Sa kasalukuyan, ang national team ay bubuuin nina Alyssa Valdez, Jia De Guzman, Jemma Galanza, Tots Carlos, Ced Domingues, at Michelle Gumabao, kasama ang ilan pang players.

Ang SEA Games at opisyal na magsisimula sa Mayo a-5 ngunit ang Volleyball tournament ay maunang magsisimula sa Mayo a-3 sa Morodok Techno Elephant Hall, sa Cambodia.