CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng mga pananim na marijuana ang isa sa siyam na nahuling nagsusugal sa Barangay Vira, Roxas, Isabela.

Ang mga pinaghihinalaan ay kinabibilangan ng limang babae at apat na lalaki, lima rin sa kanila ang senior citizen at apat na nasa tamang edad, at pawang residente rin ng bayan ng Roxas.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Roxas police Station napag-alaman na naunang nakatanggap ng ulat ang nasabing himpilan kaugnay sa iligal na pasusugal sa isang abandonadong ware house na pag-aari ni Reynaldo Bumanglag.

Sa pagtugon ng mga otoridad ay nasamsam ang tatlong set ng baraha, mahigit dalwang daang bet money maliban dito ay nadiskubre rin ang pitong piraso ng marijuana plants na nakatanim na container ng pintura at biscuit na hinihinalang pag-mamay-ari rin ni Bumanglag.

Ang mga nasamsam na ebidensiya at ang pinaghihinalaan ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon.