LAOAG CITY – Patay ang matandang babae habang kritikal ang asawa nito sa salpukan ng sinakyan nilang kulong-kulong at dump truck sa bahagi ng Barangay Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte.

Nakilala ang namatay na si Julieta Malabo habang kritikal si Esteban Malabo, 58, residente ang mga ito sa Barangay Pancian, habang ang driver ng dump truck ay si Clarence Taguba, 47, may asawa, negosyante at residente sa Barangay Pasaleng sa nasabi ring bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang pasilangang direksyon ang kulung-kulong na sinakyan ng mag-asawa ay dito nila nakasalpukan ang dump truck.

Dahil dito nagtamo ng malalang sugat si Julieta Malabo na ngresulta na kanyang kamatayan.

Patuloy pang imbestigasyon ng mga otoridad nangyaring insidente.