-- Advertisements --
CEBU CITY – Iniutos na ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na isailalim sa lockdown ang Alaska, Mambaling dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa naturang sitio.
Ito ay matapos na nakipag-ugnayan ang alkalde sa Barangay kapitan ng Mambaling na si Gines Abellana sa nasabing hakbang lalo na at nasa 539 ang confirmed cases nito.
Ayon kay Mayor Labella na nakahanda ang City Government sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente gaya ng saku-sakong bigas at iba pa.
Ikinonsidera ngayon ang Barangay Mambaling bilang panibagong epicenter ng COVID-19 lalo na at nasa higit 500 na ang nahawaan.
Umabot na sa 1,388 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa Cebu City, batay sa naging report mula sa City Health Department.