Ipinakukulong na rin ng Senate committee on justice at blue ribbon ang isa pang pulis na iniuugnay sa mga drug recycling o binansagang ninja cops.

Partikular na nais ipiit ng mga senador si SPO1 Ronald Santos na una nang ipinatawag sa pagdinig ngunit hindi ito humaharap.

Dahil dito, na-cite in contempt si Santos sa hearing.

Inaasahang ikukulong itong kagaya ng kanilang head sa raiding team na si Maj. Rodney Baloyo sa New Bilibid Prisons.