-- Advertisements --

Nagsama ng puwersa sina NBA superstar Kyrie Irving na may 34 points at 12 assists at si Kevin Durant naman ay nagdagdag ng 25 points at 11 assists upang umusad ang Brooklyn Nets bilang No. 7 seed sa Eastern Conference matapos na ilampaso ang Cleveland Cavaliers, 115-108.

Sa first quarter pa lamang ay agad na umabanse sa 20 points ang Nets hanggang sa hindi na makabangon pa ang Cavs sa pagtatapos ng game para sa unang araw ng play-in tournament.

Dahil sa panalo ng Nets makakaharap nito ang No. 2 seed na Boston Celtics na magsisimula ang first ng NBA playoffs sa Lunes.

Sa kampo ng Cavaliers bumida si Darius Garland na may 34 points kung saan kahit natalo ay meron pa rin silang tiyansa na masungkit ang No. 8 seed.

Haharapin kasi nila ang mananalo sa pagitan naman ng Atlanta at Charlotte na gaganapin sa Sabado.

Ang mananalo naman sa next game ay makikipagtuos sa No. 1 seed na Miami Heat.