Naniniwala si House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda na kailangan nang mailabas sa lalong madaling panahon ang implementing rules and regulation (IRR) ng COVID-19 Vaccination Program Act.
Ginawa ito ni Salceda matapos na kuwestiyunin at sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaring maging ‘iligal’ ang indemnity clause na nilalaman ng bagong batas na ito, na kanyang nilagdaan noong nakaraang buwan lang.
Ayon kay Salceda, kailangan mailabas na sa lalong madaling panahon ang IRR ng Republic Act 11525 upang sa gayon ay maging malinaw kung paano makakabili ang private sector ng mga bakuna.
Sinabi ng kongresista na ang statement ni Duterte hinggil sa indemnification ay kailangan na ibase lamang sa konteksto ng batas na nilagdaan nito.
Nakasaad sa naturang batas na magkakaroon ng P500 million indemnification fund, na maaring i-terminate naman ni Duterte.
Bukod sa indemnity fund, nakasaan din sa batas na immune sa anumang kaso at liability ang mga manufacturers sa oras na magkaroon man ng anumang adverse effects ang mga bakunang ginawa ng mga ito sa mga tinurukan, maliban na lamang kung nagkaroon ng “willful misconduct” at “gross negligeince.”
Naniniwala si Salcead na ligtas at epektibo ang mga bakuna, sibalit ang bagay na ito ay dapat tiyakin din mismo ng mga pharmaceutical companies.
Hindi aniya maaring basta bigyan lamang ng blangkong cheke ang mga pharmaceutical companies dahil maaring mababang kalidad ng bakuna ang ibigay ng mga ito sa bansa.