-- Advertisements --

Mamadaliin na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Executive Order No. 122 na magpapalakas sa border control ng bansa sa pamamagitan ng adoption at implementasyon ng Advance Passenger Information System (APIS).

Ang APIS ay isang electronic communications system na kumokolekta sa biorgaphic data ng mga pasahero o crew na ipinapadala naman sa BI bago ang kanilang pagdating sa bansa. Sa pamamagitan din nito ay kaagad upang siyasatin ang mga aliens na papasok sa Pilipinas.

Binigyan ang ahensya ng 60 araw para kumpletuhin ang IRR subalit dahil kailangang suriin ng mabuti ang mga pasahero na dadating sa bansa dahil sa bagong COVID-19 strain ay binigyang-diin ni Justice Secretary Menardo Gueverra na kailangan na ang agarang implementasyon nito.

Ayon kay BI Commissioner Kaime Morente, bukod sa kayang protektahan ng API ang bansa mula sa mga aliens na may derogatory records, maaari rin nitong hindi payagan ang borading ng mga pasaheri na mga travel history sa United Kingdom sa nakalipas na 14 araw.

Sa ngayon ay mahigpit na ipinapatupad ng BI ang 100% passport inspection sa mga travel history ng mga dadating na pasahero.