-- Advertisements --
Menardo Guevarra

Inihahanda na raw ng Department of Justice (DoJ) ang kopya ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Anti Terrorism Law matapos inaprubahan na ng  Anti-Terrorism Council.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang kopya ng IRR ay ipadadala sa Kongreso at sa mga law enforcement agencies bilang pagsunod na rin sa batas. 

Sinabi ng kalihim na ngayong araw lamang nabuo ng technical group na pinangungunahan ng DoJ ang detalye ng IRR para sa naturang batas. 

“Yes, the ATC has approved today the IRR of the ATL crafted by a technical group led by the DOJ. we will disseminate copies to the congress and to law enforcement agencies as required under the law, and will publish the IRR online and in a newspaper of general circulation in the next few days,” ani Guevarra.

Ang detalye ng IRR ay ilalathala rin daw muna sa sa internet at sa pahayagan na mayroong general cirulation sa susunod na mga araw. 

Bagamat July 18 pa nagkabisa ang RA 11479 o Anti-Terrorism Act, ngayon na lang din nailabas ang IRR para dito. 

Pero una nang ipinalinawag ni Sec. Guevarra noon pa man na kahit wala pa ang IRR ng batas ay magiging epektibo na ito.

Paliwanag ng opisyal, hindi naman kundisyon ang pagkakaroon ng IRR para sa effectivity ng isang batas. 

Sa ngayon pending parin sa Korte Suprema ang  mga petisyon na kumukwestyon sa kontrobersiyal na Anti-Terror Law.