-- Advertisements --

Halos 2000 atleta mula sa 46 na bansa ang lumahok sa karera para sa swimming, biking at running.

Kasabay ng event, may mga naka-standby na medical station sa South Road Properties sakaling magkaroon ng emergency, habang nakadeploy naman ang mga tauhan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, Cebu City Transportation Office at Highway Patrol Group-Central Visayas upang tumulong sa seguridad.

Namataan naman na lumahok sa bike leg ngayong taon ang Cebu Businessman at Actor na si Paul Jake Castillo.

May ilan pang kalahok ng triathlon race na pinatigil dahil sa ilang paglabag sa mga patakaran. Binigyan ang mga ito ng time penalty para sa drafting violation, littering violation, blocking violation at iba pa.

Samantala, si August Benedicto ang overall winner para sa men’s division at top finisher ng men’s 35-40 years old.

Tinapos niya ang 1.9-km swim, 90-km bike at 21-km run sa loob ng mahigit 4 na oras.

Ang unang triathlon ni Benedicto ay noon pang taong 2019 at kaunti lang ang oras para paghandaan ang karerang ito ngunit nagawa pa rin niyang manguna.

Habang si Ines Santiago naman ang unang babaeng finisher ng Megaworld IRONMAN Philippines Cebu. Si Santiago rin ang unang babaeng finisher ng Century Tuna IRONMAN Philippines noong Marso ng taong kasalukuyan.