-- Advertisements --

Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na buwagain ang interim reimbursement mechanism (IRM) ng PhilHealth para sa COVID-19.

Naniniwala si Drilon na kaya pa rin naman ng PhilHealth na maibigay ang serbsiyo nito sa kanilang mga miyembro na may COVID-19 kahit wala nang IRM.

Hindi na aniya kailangan pa ang IRM kung bibilisan lamang ng PhilHealth ang pagbayad nito sa mga reimbursements at claims.

Iginiit ni Drilon na ang pagbuwag sa IRM ay hindi dapat makaapekto sa serbisyong ibinibigay ng PhilHealth.

Mababatid na sa pamamagitan ng IRM ay advance na binabayaran ng PhilHealth ang mga ospital at healthcare facilities para sa claims ng mga miyembro ng state health insurer.

Ginagawa ito para hindi maapektuhan umano ang operasyon ng mga ospital at healthcare facilities tuwing mayroong mga krisis.

Sa ngayon, suspendido pa lang ang programang ito dahil sa issue ng korapsyon.