-- Advertisements --
ApNewsroom Lebanon Iran 87821

Binalaan ng liderato ng Iran ang Israel na lalo pang lalaki ang kaguluhan kung hindi nito itinigil ang umano’y ‘aggression’ laban sa mga militanteng grupong Hamas.

Ayon kay Iranian foreign minister Hossein Amirabdollahian, nakahanda ang Iran na kumilos, kasama na ang iba pang mga partido sa Middle Eastern Region.

Kung hindi titigil aniya ang ‘aggression’ ng Israel laban sa mga Hamas, nagbabantay ang lahat ng mga bansa sa Middle East para sa kanilang susundang hakbang kaugnay ukol dito.

Maalalang una nang nangako si Israeli prime minister Benjamin Netanyahu na i-demolish nito ang Hamas, dahil sa aniya’y terorismo na kanilang ginawa.

Nauna ring sinimulan ng Israel ang pagpapalikas sa mga residente nito malapit sa Gaza, dahil sa malawakang kampanya laban sa militanteng grupo.

Bago nito, pinabulaanan ni Iran supreme leader Ayatollah Ali Khamene na mayroon itong kaugnayan sa ginawang pag-atake ng Hamas sa Israel na nagsimula sa gaza Strip patungo sa iba pang distrito ng naturang bansa.