Iginiit ni Iran President Masoud Pezeshkian na panahon na para waksan ang ilang buwan ng giyera sa Middle East at sa Estados Unidos.
Sa isang pulong, inihayag ng pangulo na mas mabuting tapusin na ang giyera ngayon habang sila ay may malakas at may dangal pa.
Aniya, kinikilala ng buong mundo ang kanilang pagkapanalo at binigyang-diin na ang Amerika ang umatake sa kanilang mga paaralan, ospital at imprastruktura na paglabag sa lahat ng mga regulasyon, bagay na kinamumuhian umano ng buong mundo.
Dinipensahan din ni Pezeshkian ang napagkasunduang memorandum of understanding kasama ang Amerika noong Hunyo na naglalayong wakasan na ang giyera, at iginiit na hindi ito sinyales ng pagkatalo para sa Tehran.
Wala aniyang nakalagay sa kasunduan na nagpapakita ng kanilang “pagsuko” at ang lahat ng commitments ay para lamang sa kabilang panig.
Ginawa ng Iran President ang pahayag matapos na sabihin ni Supreme leader Mojtaba Khamenei na inaprubahan niya ang kasunduan para waksan ang giyera sa kabila ng magkakaibang pananaw.
















