-- Advertisements --

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga Katoliko na huwag maging manhid o paralisado sa takot, sa gitna ng nagpapatuloy na mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, kundi sa halip ay magsumikap para sa kapayapaan.

Sa kaniyang easter vigil mass homily sa St. Peter’s Basilica nitong Sabado ng gabi, kaniyang binigyang-diin ang panganib ng lumalalang kawalan ng tiwala na sumisira sa ugnayan ng mga bansa.

Ayon sa Santo Papa, huwag nating hayaan ang ating mga sarili na maparalisa.

Aniya ang kawalan ng tiwala at takot ay hinayaang putulin ang mga ugnayan sa pagitan natin sa pamamagitan ng digmaan, kawalan ng katarungan, at pagbubukod ng mga tao at nasyon.

Bagaman walang binanggit na partikular na bansa sa kanyang homilya, kilala si Pope Leo bilang vocal na kritiko ng kasalukuyang digmaan sa Iran.

Noong nakaraang Linggo, matapang niyang sinabi na tinatanggihan ng Diyos ang mga panalangin ng mga pinunong nagpapasimula ng gulo at may “mga kamay na puno ng dugo.”

Direktang umapela si Pope Leo kay US President Donald Trump nitong Martes, na humihiling ng “off-ramp” o paraan upang tuluyan nang wakasan ang nasabing labanan.