-- Advertisements --

Nagbukas ng posibilidad ang Iran na payagan ang mga barkong may kaugnayan sa Japan na makadaan sa Strait of Hormuz.

Ang desisyon ay nakikitang mahalaga para sa Japan dahil higit 90% ng kanilang suplay ng langis ay dumadaan sa naturang ruta.

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, kabilang ang mga alitan ng Iran sa Estados Unidos at Israel, nananatiling sensitibo ang sitwasyon para sa mga dumadaan sa naturang ruta.

Gayunpaman, nakipag-ugnayan na ang Tokyo sa Tehran upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga barko at mapanatili ang tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya.

Ayon sa mga opisyal, maingat ang Japan sa kanilang diplomasya upang hindi ma-provocate ang ibang bansa na may interes sa seguridad ng strait.

Ang posibilidad na ito ay nakikitang makakatulong upang maibsan ang pressure sa merkado ng langis, lalo na’t kamakailan ay napilitan ang Japan na maglabas ng bahagi ng kanilang oil reserves.

Sa kabuuan, ang hakbang ng Iran ay nagbibigay ng pag-asa sa Japan na mapanatili ang kanilang energy security sa kabila ng patuloy na krisis sa rehiyon.