-- Advertisements --
Iginiit ni Iranian President Ebrahim Raisi na hindi sila nagsisimula ng anumang giyera.
Binigyang linaw nito na hindi sila mag-aatubiling gumanti laban sa mga bullies.
Dagdag pa nito na ang regional military capabilities ng Iran ay hindi naghahatid ng takot sa anumang bansa.
Nais lamang nilang protektahan ang kanilang bansa at ito ay kanilang maaasahan.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagsagawa ng missile strikes ang Iran sa Pakistan, Iraq at Syria.
Maging ang kanilang kaalyado na Hezbollah ay patuloy ang pag-atake sa Lebanon.